Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni John Blase

Maliit Mang Bagay

Nais ng mag-asawang sina Ashton at Austin Samuelson na maglingkod kay Jesus. Naisip nila na gamitin ang kakayahan nila sa pagnenegosyo upang matulungan ang nagugutom na mga bata.

Kaya naman, noong 2014 ay itinayo nila ang kanilang restawran na may layunin na makapag-abot din ng tulong sa nagugutom na mga bata. Naglalaan sila ng pera mula sa kanilang kinikita upang…

Problema Ng Mundo

May tanong na nailathala sa diyarong The London Times: Anong problema sa mundo? Maraming sagot ang natanggap ng diyaryo pero may isang sagot na nangibabaw sa lahat. Apat na salita lamang ang isinulat na sagot ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Ang problema ay ako.”

Masasabi nating tama ang sagot ni Chesterton. Sa Biblia naman ay mababasa natin ang tungkol…

Maliit Na Mitsa

Takot na ikinuwento ng aking anak na babae ang tungkol sa nangyaring sunog sa kanilang eskuwelahan. Pero hindi lamang iyon ang napinsala ng tinaguriang 2018 Woolsey Fire sa California. Natupok nito ang ekta-ektaryang lupa at naging sanhi rin ng pagkamatay ng tatlo katao. Hindi inaasahan ng mga tao lalo na ng mga bumbero ang mabilis na pagkalat ng sunog na nagsimula…

Tamang Direksyon

Noon, kailangan na matalas ang mata at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela kapag minamaneho ng magsasaka ang kanyang traktora. Kailangan iyon para tama ang direksyon ng pagtatanim niya. Pero pumapalya pa rin ito lalo na kapag pagod na ang magsasaka. Sa ngayon, may ginagamit na silang makabagong teknolohiya na nagsisilbing gabay para maging tama ang direksyong pupuntahan ng traktora.

Mababasa…

Ibigay Ang Lahat

Iba’t iba ang kakayahan natin sa larangan ng pag-eehersisyo. Kung kaya mong gumawa ng sampung push-up, aapat lang ang kaya ko namang gawin. Hindi pare-pareho ang antas ng lakas ng katawan natin. Sinabi ng tagapagsanay namin, “Sa tuwing mag-eehersisyo ka, ibigay mo ang lahat ng lakas mo. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Gawin mo lang kung ano…